Pagmamahal sa Asawa Mga Damdamin ng Pag-ibig at Pagmamahalan

Pagmamahal sa Asawa Mga Damdamin ng Pag-ibig at Pagmamahalan

Ang sikreto daw sa mahabang pagsasama ng isang mag-asawa ay ang pagpapanatili nila ang init ng pananabik sa isa’t isa, kahit gaano na katagal nang magkasama. Paano bumalik ang pagmamahal ng asawa mo? Ayon sa mga eksperto, ang karaniwang dahilan ng paghihiwalay ay ang problema sa intimacy, lalo na sa aspetong seksuwal. At kapag nagsimulang maputol ang koneksiyong pisikal, ang relasyon ay nagkakalamat na.

May iba’t ibang dahilan kung bakit nangyayari ito. May kani-kaniyang personal na pangangailangan ang mag-asawa, at maaaring hindi nila natatanto na mayron nang problema—at lumaki na ito—hanggang huli na ang lahat.

MgaPagmamahalan title=Mga Besh, Depende Pala Sa Taong Mahal Mo... Iba't Ibang Uri Ng Pagmamahal style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTufEb-M6jM2PhGiT1-_HQ2aK-sqVCpoXvB8K96tfw3O4kPczueIOMAkR7McW2w6NJZrD0&usqp=CAU'; />

Maraming factors: walang oras dahil sa abala sa trabaho at ibang gawain, inaasikaso ang mga anak, pagod, at mga iniisip na problema. Kung nararamdaman nang nabawasan na ang oras para sa isa’t isa, at hindi man lang nakakaupo para mag-usap o maglambingan, maaaring panahon na para tingnan muli ang relasyon at mag-desisyon na gumawa ng hakbang para ayusin ito.

Module 3 (2nd Quarter) Aralin 1

Narito ang ilang paraan kung paano bumalik ang pagmamahal ng asawa mo 1. Magtakda ng oras para magkasama kayo, na kayo lang dalawa.

Lalo na kung ang problema ay nag-uugat dahil sa kawalang ng oras para sa isa’t isa, nararapat lang na ito ang maing solusyon: mag-schedule ng ‘date’. Hindi kailangang kumain sa mamahaling restaurant o mangibang bansa. Isang gabi o isang buong araw sa isang linggo o kahit maka-ikalawang linggo, na wala ang mga bata sa bahay, para makapag-usap, makapagkwentuhan. Balikan kung ano ang ginagawa ninyo dati nung hindi pa kayo mag-asawa, o nung hindi pa kayo abala sa buhay pamilya. Manuod ng sine, maglakad-lakad, mag-jogging, kumain sa paboritong kainan, o kahit na magluto o mag-bake nang magkasama. Gawin itong regular, at kahit anong mangyari ay hindi dapat mapopostpone o maka-cancel.

Bagamat mabuti ang makapag-usap kayo palagi at maikuwento ang mga nangyayari sa trabaho, o kung ano ang nararamdaman sa araw na iyon, pero ingatan lang na hindi puro ito ang laman ng usapan ninyong dalawa. Bawat oras ninyo ay mahalaga, at hindi makakatulong kung palaging negatibo ang paksa sa maikling oras na nag-uusap kayo o sa bawat pagkakataon na magksama kayo.

Hindi Pantay Ang Pagmamahal Ng Asawa Mo? Ito Ang Dapat Gawin

Ang pag-uusap ay dapat nababalot ng masaya, masigla at positibong paksa. Kung mayron mang importanteng pag-uusapan, o mga problemang gusto ikuwento sa asawa, gawin ito sa umpisa ng usapan, para mailabas lang ang nasasaloob. Tandaan na ang goal ay mag-reconnect, at hindi ito mangyayari kung puro bagot at inis ang ilalabas na damdamin.

Komunikasyon ang susi sa isang relasyon. Mas makakabuti kung komportable kayong nag-uusap tungkol sa mga nararamdaman, lalo na sa kung ano ang gusto ng isa’t isa, at mga expectations pagdating sa sex. Mga detalye tulad ng kung gaano kadalas, anong posisyon, saan, at mga sexual experiments o mga bagong bagay na gustong subukan—dapat ay naipapaalam ito sa asawa. Maging bukas sa pakikipagkompromiso, at makinig sa sasabihin ng asawa.

Paano

Balikan din ang mga bagay na nakakapagpakilig at nakakapagpaigting ng damdamin nung nagsisimula pa lang kayo sa relasyon. Ayon sa mga pag-aaral ng mga scientists, ang oxytocin, isang hormone na lumalabas sa umpisa ng isang relasyon ang nakakapagpakilig at nakapagbibigay ng kakaibang masayang damdamin sa babae at lalaki. Kaya naman mahawakan lang ay parang labis na ang kasiyahan. Mabilis din daw itong nawawala, lalo na kung matagal na ang pagsasama. Napapalitan ito ng mga damdaming mas totoo at mas malalim, bagamat hindi na ‘kilig’ ito.

Ang Alipin Ng Pamilya Ko

Pero maaari pa rin itong maibalik, kung magiging mas ‘conscious’ ang mag-asawa. Ibalik ang dalas ng halik, hawakan ang kamay, at mainit na yakap, o simpleng shoulder rub, para maipaalala araw araw sa iyong asawa ang pagmamahal. Ang mga ganitong pisikal na pagpaparamdam ay nagiging daan para mabuhay muli ang relasyong sensuwal at seksuwal. Ayon sa pag-aaral, ito ay nakakapagpalanas ng oxytocin at nakakapagpakalma. Ito rin ang hormone na nailalabas kapag may sexual orgasm. Ang mga ysical affection ay nakakaalis ng stress, na nakakabuti sa pagsasamahan sa isang relasyon.

Ang susi sa maigting na relasyon ay ang koneksiyong emosyonal. Kung gusto ng bawat isa na maibalik ang dating mainit na pagtitinginan, kailangang buksan ang komunikasyon at maging natural na mapagmahal at maasikaso sa kabiyak. Sa libro at audiobook na “The Science of Trust: Emotional Attunement for Couples” ni John Gottman, D, ang dating “passion” at pagtingin ng mag-asawa ay mabubuhay muli kung masasanay ang bawat isa na ipakita ang emotional side, at maging hindi lang mapagmahal kundi may respeto at may empathy, hindi palaging palaban o paaway. Kung nagkakaintindihan sa aspetong emosyonal, kahit nag-aaway o nagtatalo tungkol sa isang bagay ay mas madaling magkasundo at makarating sa maayos na usapan.

Pag

Ayon kay Dr. Gottman, ang mag-asawang magkaibigan ay nagsasama ng mas matagal. Ito ay dahil mas kilala nila ang isa’t isa, kasama ang personalidad, habits, pati na mga pangarap sa buhay.

Balagtasan Examples Grade 8

Unahin daw ang positibong pangangailangan, imbis na puro angal at panunumbat ang ilalabas. Paliwanag ni Dr. Gottman, mas makakatulong kung sasabihin ang gustong mangyari at kung ano ang pwedeng gawin, at hindi puro paglilista lang ng lahat ng maling ginagawa ng asawa: “Ito ang nararamdaman ko, at ito sana ang pwede mong gawin” imbis na, “Mali ka! Mali yang ginagawa mo! Puro ka mali! Palagi na lang ganiyan!”

Iparamdam na attracted ka sa asawa at sabihing “Ang sexy mo” sa bawat pagkakataon na makita. Kung may bagong damit, banggitin na bagay sa kaniya ito. Wala nang mas nakakakilig at makakapagpakita ng pagmamahal kundi ang marinig na “attractive” at maramdamang “expired” ka pa sa iyong asawa, at nakikita niya ang kagandahan o kaguwapuhan mo. Dito nag-uugat ang positibong pagtitinginan. Isa rin itong paraan ng foreplay, para mas maging exciting at mainit ang pagtitinginan. Ayon kay Dr. Gottman, lahat ng positibong ginagawa at sinasabi sa iyong kabiyak ay bahagi ng foreplay.

My

Tingnan ang sex bilang isang paraan para mas makilala o makilalang muli ang asawa. Magkasamang alamin ang mga bagong bagay na sa tingin niyo ay makakapagpainit ng relasyong seksuwal. Gawing romantiko ang date night, at maging malambing, para maging daan sa isang mainit na gabi—at marami pang gabi.

Mga Taga Efeso 4:31 32 Alisin Na Ninyo Ang Lahat Ng Sama Ng Loob, Poot At Galit; Huwag Na Kayong Mambubulyaw, Manlalait At Mananakit Ng Damdamin Ng Kapwa. Sa Halip, Maging Mabait Kayo At

Hindi cliche ang romantic getaway para sa isang mag-asawa. Malaki ang nagagawa ng pagbabakasyon at pagkakaron ng “break” mula sa mga bata at sa araw araw na gawaing pampamilya, para sa inyong relasyon. Hindi kailangang madalas, pero kung makakahanap ng isang regular na bakasyon, kahit na isang weekend lang, makaka-focus ang mag-asawa sa isa’t isa ng walang distraction.

Ang mga suhestiyon na ito ay hindi madali at hindi magagawa ng isang lingo o isan gbuwan lamang. Maraming pagdadaanan at mahabang panahon ang kailangan. Pero basta’t hindi nawawala ang focus at nakatuon ang mga mata sa hangad na intimacy, makukuha din ito, at maibabalik ang init ng pagmamahalan ng mag-asawa.

Ang

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Frases De Amor En Ingles

Komentar

Label

Agrikultura Aguinaldo Akademikong Aklat Aksidente Aktibidad Aktibismo Alagad Alagang Alamat Alamin Alingawngaw Alituntunin Amerikano Anyong Aralin ArawAraw Argumento Arkitektura Arroyo Artista Asawa AsikAsik Aspeto Aspirasyon Astronomiya Ating Babala Babasahin Baboy Bagay Bagong Bagyong Bahay Balagtasan Balak Balita Balitang Banal Banghay BanghayAralin Bansa Batang Batas Batikang Bawal Bawat Bayan Bayang Bayani Bayanihan Bayaning Benta Bentahe Bible Bibliya Bisaya Bisyo Biyaya Bolunterismo Bryle Bughaw Bugtong Buhay Bukas Bunga Buwan Cartooning Cellphone Change Climate CppNpa Cyberbullying Dagli Dahilan Dakilang Damdamin Davao Debate Dedikasyon Defensor Deklamasyon Delimitasyon Dengue Deskriptibong DiPiksyon Disiplina DiTapat Diyalogo Diyos Dormitoryo Droga DulaDulaan Duterte Ebolusyon Editorial Edukasyon Edukasyong Ekonomiks Ekonomiya Ekwilibriyo Emilio Emosyon Emosyonal Entablado Epekto Epiko Epikong Estetika Estrada Estudyante Eupemismo Euthanasia Falls Federalismo Felix Filipino Fliptop Foods Gabay Galak Gamit Gamot Gasolina Gawain Gilgamesh Ginhawa Global Gobyerno Gulay Gupta Haiku Hakbang Halaga Halaman Halamang Halimbawa Hamon Hanggan Hayop Hesus Hinagpis Hindi HivAids Hospitality Ibang Ibong Identidad Imperyalismo Imperyong Impluwensya Impormasyon Impormatibo Inasahang Indibidwal Industriya Inspirasyon Internasyonal Internet Ipinatutupad Isang Iskrip Islam Joseph Jueteng Kaalaman Kaalamang Kaarawan Kababalaghan Kababayan Kabanata Kabataan Kabataang Kabatiran Kabayanihan Kabuhayan Kabukiran Kabuluhan Kabutihan Kagamitan Kaganapan Kagandahan Kagandahang KagandahangAsal Kagawasan Kagubatan Kaguruan Kahalagahan Kahirapan Kaibigan Kaibiganan Kaisipan Kakaibang Kakapusan Kakayahan Kakayahang Kakulitan Kalagayan Kalakipan Kalamidad Kalawakan Kalayaan Kaligayahan Kaligtasan Kalikasan Kalusugan Kamalayan Kamanghaan Kamay Kampanya Kamtin Kanilang Kanser Kapaligiran Kapalit Kapanatagan Kapatid Kapayapaan Kapwa Karagatan Karanasan Karangalan Karapatan Karunungan Kasabihan Kasalukuyang Kasamaan Kasanayan Kasaysayan Kasinungalingan Kasiyahan Kataga Katalinuhan Katapatan Katarungan Katatawanan Katesismo Katiwalian Katoliko Katotohanan Kaugnay Kaugnayan Kaugnayang Kaunlaran Kawalan Kilalang Kilusan Kinabukasan Kinagisnan Klase Kolehiyo Kolonyalismo Komiks Komunidad Komunikasyon Konsekwensya Kontraktwalisasyon Kontribusyon Kowts Kritikal Kulay Kultura Kuneho Kuriru Kuwait Kuwento Kuwentong Kwento Laban Labas Lahat Lakbay Landas LapuLapu Larawan Larong Lawin Lgbtq Lider Liderato Lihim LikasKaya Likod Lindol Lines Linggo LingkodBayan Lipunan Literatura Literaturang Lokal Lugar Luhang Lunas Lupang Luther Maagang Mabuting Mactan MagAaral Magandang Magasin Magiting Magkaibigan Magulang Mahal Mahalaga Mahiwagang Maikling Makabuluhang Malaysia Maliit Mamamayan Mamuhay Manggagawa Mapanuring Marcos Martial Martin Matapat MayAri Media Mesopotamiko Metodolohiya Migrasyon Minorya Miriam Misteryo Mistikal Modernisasyon Modernong Monarkiya Moralidad Mundo Mundong Musika Muslim Naging Nagmamahalan Nagpapakita Nahalal Nakakatawa Nakakatawang Nakamamatay Nakapipinsalang Namin Nayon Negosyo Ngalan Ngayon Ngongo Nutrisyon Online Paaralan Pablo Pabula PagAalaga PagAambag PagAaral PagAaruga PagAngat PagAsa Pagbabago Pagbabawas Pagbubuntis Pagdiriwang Paggabay Paggalang Paggawa Paghahanda Pagharap PagIbig Pagiging PagIwas Pagkain Pagkakaiba Pagkakaibigan Pagkakaisa Pagkakakilanlan Pagkakawanggawa Pagkalulong Pagkawala Pagkilala Pagkilos Pagkitil Pagkokolehiyo Paglaban Paglalakbay Pagliban Paglilingkod Paglilinis Paglinis Pagluluto Pagmamahal Pagmamahalan Pagmamamayan Pagmumulat Pagnanais Pagnanakaw Pagnanasa Pagninilay PagninilayNilay Pagpapahalaga Pagpapahayag Pagpapalaganap Pagpapalit Pagpapatawad Pagpili Pagpupugay Pagsalungguhit Pagsamba Pagsasaka Pagsasanay Pagsilip Pagsubok Pagsusulit Pagsusumikap Pagsusuri Pagsusuring Pagtahak Pagtanaw Pagtanggap Pagtangkilik Pagtatanim Pagtingin Pagtuklas Pagtukoy Pagtulong Pagtutok Pagtutol Pagtutulungan Pagtuturo PagUnawa PagUnlad PagUsbong Pahalagahan Pahayag Pakikipaglaban Pakikipagsapalaran Pakikipagtalastasan Paliwanag Pamagat Pamahalaan Pamamagitan Pamamahagi Pamana Pamanahon Pamayanan Pambansa Pambata Pambubully Pamilya Pamilyang Pampanitikan Pamumuhay Pamumuno Panahon Pananaliksik Pananampalataya Pananaw PangAabuso Pangalan Pangangailangan Pangangalaga Panganib Pangarap Pangingibabaw Pangkalusugan Pangulo Pangulong PangUri Pangyayari Paningin Paninigarilyo Panitikan Panlasang Pansin Paraan Paranormal Pasasalamat Pasko Patalastas Patrol Pelikula Personal Perspektiba Philippines Pilipinas Pilipino Pilosopo Pinagmulan Pinakabagong Pinansyal Pinoy Pintor Pista Poetry Polisiya Politika Polusyon Pormal Presyo Prinsipe Problema Problemang Proteksyon Prutas Public Pulitika Pusong Radiation Radyo Reaksyon Rehiyon Relihiyong Responsibilidad Rizal Russia Sagot Sakit Saklaw Sakripisyo Salamin Salapi Salawikain Salem Salesperson Salinlahi Salita Saloobin Samahan Sambayanan Sanaysay Sanhi Sarili Sariling Sarvey Satire Scarborough School Seaman Shoal Sinilangan Sining Siyensya Skrip Slogan Social Solusyon Spoken Strand Street Students Suliranin Sumulong Sundiat Sunog Tadhana Tagapagtaguyod Tagumpay Tahanan TakdangAralin Talakayan Talinghaga Talumpati Tamang Tanawin Tangere Tanka Tanong Tapat Teknikal Teknolohiya Tekstong Teorya Teritoryo Tigang Tiwala Trabaho Tradisyon Trials Trivia Tubig Tunay Tungkol Turismo Tutol Ubusan Ugnayan Uniporme Usapang Verse Walang Wikang Witch Working Yaman
Tampilkan selengkapnya