Relihiyong Islam Kaalaman at Tradisyon sa Pananampalataya
Ang Islam (Arabiko: الإسلام; al-islām), pagsunod sa kalooban ng Diyos, ay isang pananampalatayang monoteismo at ang ikalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo. Ito ay isang Abrahamikong relihiyon kasama ng Kristiyanismo at Hudaismo kaya't malapit na kamag-anak ng mga pananampalatayang ito.
Na ipinahayag ng Diyos (Allah) ang kanyang banal na salita sa sangkatauhan sa pamamagitan ng maraming mga naunang mga propeta, at ni Muhammad na siyang huling propeta ng Islam.
Ang kwebang Hira sa bundok na Jabal al-Nour na ayon sa paniniwalang Muslim ang lugar na pinagtanggapan ng unang pahayag ni Muhammad.
Ang Paniniwala Sa Kabilang Buhay. Ang Kabilang Buhay Ay Napakaimportante…
Ang nagtatag ng Islam at tinuturing ng mga Muslim bilang isang sugo(messenger) at propeta ng Diyos ( الله Allah) at ang huling tagapagdala ng batas sa magkakasunod na mga propetang Islamiko. Dahil dito, si Muhammad ay itinuturing ng mga Muslim na tagapagpanumbalik ng hindi nalikong(uncorrupted) orihinal na monteistikong pananampalataya (islām) ni Adan, Noe, Abraham, Moises, Hesus at iba pang mga propeta.
Siya ay ipinanganak noong 570 CE sa siyudad ng Arabia na Mecca. Siya ay naulila sa batang edad at pinalaki ng kanyang tiyuhing si Abu Talib. Siya ay kalaunang nagtrabaho bilang isang mangangalakal gayundin din bilang isang pastol at unang nakapag-asawa sa edad na 25. Sa pagiging hindi masaya sa kanyang buhay, siya ay tumungo sa isang kweba sa mga paligid na kabundukan upang magnilay nilay. Ayon sa mga paniniwalang Islamiko, dito sa lugar na ito sa edad na 40 sa buwan ng Ramadan nang kanyang matanggap ang unang pahayag mula sa diyos. Pagkatapos ng taong taon pagkatapos ng pangyayaring ito, kanyang sinimulang ipangaral ng publiko ang mga pahayag na ito na naghayayag na ang diyos ay isa, ang kumpletong pagsuko dito(islam) ang tanging paraang katanggap tanggap sa diyos at siya ay isang propeta at sugo ng diyos tulad ng ibang mga propetang Islamiko. Siya ay nagkamit ng ilang mga tagasunod sa simula ngunit nakatagpo ng pagsalungat mula sa ilang mga tribo sa Mecca. Upang makatakas sa pag-uusig, si Muhammad ay nagpadala ng ilang mga tagasunod nito sa Abyssinia bago siya at ang kanyang mga natitirang tagasunod sa Mecca ay lumipat sa Medina(na kilala sa panahong ito bilang Yathrib) noong taong 622 CE. Ang pangyayaring ito na tinatawag na Hijra ang naghudyat ng pasimula ng kalendaryong Islamiko na kilala rin bilang Kalendaryong Hijri. Sa Medina, pinag-isa ni Muhammad ang mga tribo sa ilalim ng konstitusyon ng Medina. Pagkatapos ng walong taon ng pakikidigma sa mga tribo sa Mecca, ang kanyang mga tagasunod na lumago na sa panahong ito sa mga 10, 000 ay sumakop sa Mecca. Winasak ni Muhammad ang mga simbolo ng paganismo sa Mecca at ipinadala ang kanyang mga tagasunod upang wasakin ang lahat mga natitirang templong pagano sa buong Silanganing Arabia. Noong 632 CE, mga ilang buwan pagkatapos ng pagbalik nito sa Medina mula sa kanyang Pilgrimaheng Pagpapaalam, si Muhammad ay nagkasakit at namatay. Sa panahon ng kanyang katamayan, ang karamihan sa Arabian Peninsula ay naakay sa Islam at kanyang napag-isa ang mga tribo ng Arabia sa isang relihiyosong Muslim na politiya. Ang mga pahayag(o Ayah) na literal na nangangahulugang mga tanda [ng diyos] na iniulat ni Muhammad na kanyang natanggap hanggang sa kanyang kamatayan ay bumubuo ng mga bersikulo o talata ng Qur'an at itinuturing ng mga Muslim bilang salita ng diyos at batayan ng relihiyong Islam. Bukod sa Qur'an, ang buhay ni Muhammad at mga tradisyon(sunnah) ay pinanghahawakan din ng mga Muslim. Ang kanyang mga ginawa ay binatikos ng kanyang mga tagasunod at kalaban sa loob ng mga siglo.
Pagkatapos ng kamatayan ni Muhammad noong 632 CE, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng mga Muslim sa Mecca at mga akay na Muslim sa Medina na nagbantang makikipaghiwalay sa Ummah. Ang ibang mga tribong Arabiko ay nagnais na bumalik sa pamumunong lokal at humiwalay mula sa pangongontrol ng mga Muslim sa Medina. Ang mga pinuno ng mga tribong Medina ay nagpulong sa isang bulwagan upang talakayin ang kanilang susuportahan bilang bagong pinuno. Nang ipaalam kay Abu Bakr ang pagpupulong, siya at ang ilan ay sumugod sa pagpupulong na ito upang pigilan ang mga taga Medina na gumawa ng isang hilaw na desisyon. Ang mga salaysay ng pagpupulong na ito ay iba iba bagaman ang lahat ay umaayon na inihayag sa pagpupulong ni Umar si Abu Bakr bilang ang bagong pinuno at nanumpa ng kanyang katapatan kay Abu Bakr na gumagawa kay Abu Bakr na unang kalipang Muslim. Ang pagpili kay Abu Bakr ay tinutulan ng iba kabilang ang mismong anak ni Muhammad na si Fatimah na nagaangking si Ali (Ali ibn Abi Talib) na pinsan at manugang ni Muhammad na asawa ni Fatimah ang itinakdang nararapat na kahalili ni Muhammad. Pagkatapos, ang napiling kalipang si Abu Bakr, si Umar at ilang mga kasama ay tumungo sa bahay ni Fatimah upang pwersahin si Ali at mga tagasunod nito na magbigay ng kanilang panunumpa kay Abu Bakr. Inangking binantaan ni Umar na susunugin ang bahay malibang lumabas si Fatimah na anak ni Muhammad at asawa nitong si Ali upang manumpa ng katapatan kay Abu Bakr. Dahil nagbanta si Fatima na aalisin ang takip ng kanyang buhok, si Abu Bakr ay umatras. Inulat na sinabi ni Ali na may apatnapung kataong lalaban sa kanila. Ayon sa mga Shia, ang pangyayaring ito ang nagsanhi ng pagkalaglag ng anak sa sinapupunan ni Fatimah at kanyang kalaunang kamatayan. Inangkin ng mga aklat ng hadith na Sunni na ang pangyayaring ito ay hindi nangyari na nag-aangking handang nanumpa si Ali kay Abu Bakr. Ang isyung ito ang nagsanhi ng paghihiwalay ng mga Sunni at Shia. Kinikilala ng lahat ng mga Sunni Muslim si Abu Bakr bilang nararapat na Khalifa-tul-Rasool o Kahalili ng sugo ni Allah na si Muhammad. Gayunpaman, naniniwala ang mga Shia na hayagang pinangalanan ni Muhammad si Ali bilang kanyang kahalili sa Ghadir Khumm at ang pagkapinuno ni Ali ay itinakda ng kautusan ng Diyos.
Kababaihan Sa Islam: Pinipigilan O Malaya?
Mula 632 hanggang 633 CE, ang ilang mga tribong Arabiko ay naghimagsik laban sa pamumuno ni Abu Bakr na nagpasimula ng mga digmaang Ridda.Inangkin ng mga tribo na kay Muhammad lamang sila magapapasakop at sa kamatayan ni Muhammad ay tumigil na ang kanilang katapatan kay Abu Bakr. Dahil dito, ang mga tribo ay tumangging magbigay ng zakat. Ang ilang mga rebelde sa apat na anim na sentro ng paghihimagsik ay sumuporta kina Tulayha o Musaylima o Sajjah na lahat nag-angking mga propeta. Bumuo si Abu Bakr ng hukbong Muslim sa 11 pangkat. Ang plano ay linisin muna ang mga lugar ng kanluran at sentral na Arabia at pagkatapos ay labanan si Malik ibn Nuwayrah at pagkatapos ay labanan ang pinakamapanganib na kaaway na si Musaylimah. Pagkatapos ng sunod sunod na pakikipaglaban, natalo ng pangkat ni Abu Bakr si Musaylimah at ang tribo nitong Banu Hanifa. Ang kampanya laban sa apostasiya ay nakumpleto noong ika-11 taon pagkatapos ng Hijra. Noong Marso 633 CE, ang Arabia ay pinagkaisa sa ilalim ng sentral na kapangyarihan sa Medina. Ayon sa mga Sunni, maraming mga Muslim na nagkabisado ng Koran ay namatay sa pakikipaglaban ng pangkat ni Abu Bakr kay Musaylimah sa labanan ng Yamama. Dahil sa takot na baka nawala o naliko na ang Koran, hiniling ni Umar kay Abu Bakr na payagan ang pagtitipon at pagpepreserba ng Koran. Pagkatapos ng simulang pagtanggi, bumuo si Abu Bakr ng isang komite na pinamunuan ni Zayd ibn Thabit na kinabibilangan ng mga nagkabisado ng Koran at ni Umar upang tipunin ang lahat ng mga talata ng Koran. Pagkatapos ikumpara ang natipong mga talata sa mga nagkabisado ng Koran, ang Koran ay isinulat sa isang manuskrito at itinanghal sa anyong aklat kay Abu Bakr.
Hinirang ni Abu Bakr si Umar bilang kanyang kahalili. Si Umar ibn Khattab na ikalawang kalipa ay pinatay ng Persianong si Piruz Nahavandi. Ang kahalili ni Umar na si Uthman Ibn Affan ay hinalal ng isang konseho ng mga Majli. Si Uthman ay pinatay ng mga kasaping hindi nasiyahan sa kanyang pamumuno. Pagkatapos ay nangasiwa ngunit hindi pangkalahatang tinanggap na kalipa ng mga gobernador ng Ehipto. Naharap siya sa dalawang paghihimagsik at pinatay ng isang Kharijiteng si Abdl-alRahman. Ang magulong pamumuno ni Ali ay tumagal lamang ng limang taon. Ang panahong ito ay tinatawag na Fitna o ang unang digmaang sibil na Islamiko. Ang mga tagasunod ni Ali ay kalaunang naging Shia (shiaat Ali, mga partisano ni Ali) na tumatakwil sa pagiging lehitimo ng unang taong kalipa. Ang mga tagasunod ng apat na kalipang Rashidun na sina Abu Bakr, Umar, Uthman at Ali ang naging sektang Sunni. Sa ilalim ng Rashidun, ang bawat rehiyon (sultanato, wilayah o emirato) ng kalipato ay may sarili gobernador (Sultan, Wāli o Emir). Si Muawiyah na kamag-anak ni Uthman at Wali ng Syria ang isa sa mga humamon kay Ali at pagkatapos mapatay si Ali ay nagawa niyang malabanan ang ibang mga nag-aangkin sa kalipato. Binago ni Muawiyah ang kalipato sa isang opisinang namamana at kaya ang nagtatag ng Dinastiyang Umayyad.
Ang dinastiyang Umayyad ay hindi pangkalahatang tinanggap ng pamayanang Muslim. Sa ilalim ng pamumuno ng mga Umayyad, ang kalipato ay mabilis na lumawak sa teritoryo. Ang pamumunong Islamiko ay lumawig pakanluran sa Hilagang Aprika at sa Hispania at pasilangan sa
Komentar
Posting Komentar