Pagmamahal sa Kalikasan Pagnanais at Pangangalaga sa Kapaligiran
Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito nanggagaling lahat ng bagay na ating ikanabubuhay. Ito ay maganda at kapakipakinabang. Mula sa pagkain, tirahan, gamot at marami pang iba. Dito rin nanggagaling ang ating kaalaman na dahil sa kuryosidad sa napakahiwagang nilikha ng Diyos, nasusubok natin ang hangganan ng ating kaalaman.
Dito sa ating bansa, napakataas ng ating biodiversity. Marami tayong mga hotspots na tinatawag na mapapakinabangan natin para lumago at lumawak ang turismo sa ating bansa. Mayaman din tayo sa likas na yaman. Ang ilang sa mga ito ay hindi pa natin alam kung paano gagamitin at ang ilan ay di pa natin natutulakasan.
Kapaligiran title=Ang Sampung Utos Para Sa Kalikasan style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTaQHrRdTHfWPK7Mv1uGmn69vs15jwhD2VfjzotPlwdxPUsjjVqbloCPvTbhezfzU-aNVc&usqp=CAU'; />
Ang kakulangan natin ng kaalaman sa kahalagahan ng kalikasan, abusadong paggamit nito at walang disiplina at limitasyon pagpapatayo ng mga inprastraktura, maling paraan pagtatapon ng basura, mali paraan ng pangingisda ang naging dahilan kung bakit nagkakaroon ng di inaasahang mga sakuna. Halos taon-taon tayong nakakaranas ng matinding pagbaha, landslide, phenomena at pagbabago ng klima.Tayong mga mamamayan at lahat ng nabubuhay dito sa mundo ang naaapektuhan ng mga sakuna at hindi magandang pagbabagong ito.
Ang Pangangalaga Sa Kapaligiran Ay Mahalaga
Nararapat lamang na pangalagaan ang ating mga likas na yaman sapagkat dito tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan sa ating pamumuhay at dito rin nakasalalay ang ating kaligtasan. Huwag na nating antayin pa na mailagay sa panganib ang buhay natin, at magkaroon ng realisasyon sa kahalagahan ng kalikasan.
Simulan natin sa ating sarili, sa sariling bakuran at sa maliit na komunidad. It will make a difference. Kumilos na tayo habang pwede pa nating isalba at maenjoy ang biyayang binigay sa atin ng Panginoon.
Sa kasalukuyang panahon nakaaalarma na ang nangyayari sa ating kalikasan ngayon dahil sa ating kapabayaan. Dahil kung anong ginanda noon ay iyon naman ang kinabaliktaran sa panahon natin ngayon sapagkat hindi natin napapangalagaan ng maayos. Kung ito lang ay natratrato ng tama e’di sana’y hindi natin nararanasan ang mga dilubyo at krisis na sinasagupa sa panahon natin ngayon. E’di sana’y walang mga sirang daan, sirang kalikasan at sirang kabuhayan tayong nararanasan ngayon!. Sana ay habang may panahon pa at hindi pa huli ang lahat ay matutunan natin itong alagaan. Sana ay hanggang maaga pa ay masolusyonan na ang problemang ito.
Paglalakbay Sa Mundo Ng Butanding: Pag Aaral At Pagpapahalaga
Wag na nating hintayin ang paghihiganti ng ating kalikasan na siguradong kikitil sa maraming buhay dito sa mundo. Sana’y huwag naming humantong sag anon!, wag naman sana !.
Madalas nating magamit ang salitang kalikasan tulad na lang pag tayo ay sinasamaan ng tiyan, nasasabi natin na “ako ay tinatawag ng kalikasan”. Sa mga taong hindi kaagad makakaintindi ng ibig sabihin non ay aakalaing tao ang kalikasan. Pero hindi nila alam na ang kalikasan ay ang ating ginagalawan. Ang kalikasan ay madalas na nababalita sa atin dahil ito ay may mabuti at masamang naidudulot sa atin depende sa ating pangangalaga. Mararapat nating pangalagaan ang ating kalikasan sapagkat itoy biyaya ng diyos. Huwag nating pabayaang masira ang ating kalikasan dahil ito ay ating yaman at maaaring magkaroon ng hindi tamang pagkabalanse sa atin na pwedeng magdulot ng panganib.
Sa panahon ngayon kitang- kita at damang- dama natin ang lupit ng kalikasan. Buhay ang sinisingil sa atin pag itoy gumanti. Bagyon, pagguho ng lupa, lindol at pabago bago ng klima ay ilan lamang bunga ng ating pagpapakabaya sa kalikasan. Tulad na lamang ng bagyong Ondoy, ang daming buhay at ari-arian ang nasira niya. Halos burahin ang Pilipinas sa mapa. Hanggang ngayon ay bakas na bakas pa rin ang kaniyang ginawa. Landslide na binabaon ng buhay ang tao, na para kang inilibing ng buhay. Pabago pabago ng klima na nagdudulot ng sakit hanggang sa mahantong sa kamatayan at nakakaapekto rin sa ting mga pananim na nagbubunga ng kakapusan ng pagkain hanggang sa magmahalan ang mga ito. Lindol na kumikitil ng buhay at ari arian. Sa makatuwid hindi biro pag nagalit ang kalikasan.
Ang Pangangalaga Sa Kalikasan
Dapat tayong kumilos upang maayos natin ang mga suliranin sa usaping kalikasan. Magtanim tayo ng mga puno upang mabawasan ang pagbaha at mga “landslide” na maaring mangyari sa mga kalbong kabundukan at para na rin mabawasan ang init ng ating mundo o maiwasan ang “global warming”. Iwasan din nating magtapon ng basura sa mga yamang tubig upang makaiwas sa pagkamatay ng mga isda. At para rin hindi dumumi o mamatay ang yamang tubig. Huwag din gumamit ng mga dinamita sa pangingisda nang hindi masira ang ating mga koral na bato. Iyan lamang ang mga ilang halimbawa upang makaiwas sa mga delubyong kayang ibigay ng kalikasan.

Pangalagaan natin ang kalikasan sapagkat dito rin nanggagaling ang ating mga pangangailangan lalo’t higit ang hangin na ating inihihinga. Sa tulong ng mga ahensya ng pamahalaan mas mapapadali ang pagsagip sa ating inang kalikasan. Makakatulong rin ito sa mga susunod pang henerasyon, sana’y masaksihan pa nila ang tunay na kagandahan ng ating minamahal na kapaligiran. At sa ganitong pamamaraan matutulungan din natin na magising mula sa matagal na pagkakahimlay ang ating bansang Pilipinas.
Ang inang kalikasan ay dapat alagaan . Sa panahon ngayon an gating kalikasan ay nasisira na din dahil sa ating kagagawan. Ginagawa na ng karamihan na basurahan an gating paligid. Inaabuso ang mga kagubatan, pinuputol an gang mga puno. Sinusunog ang mga kagubatan. Ilan lang yan sa mga pang aabuso nating mga tao na nagiging dahilan ng pagkasira n gating inang kalikasan.
Sama Samang Pagkilos Para Sa Pangangalaga Ng Ating Kapaligiran
Sa pagkasira ng ating kalikasan ay nakakaapekto din sa ating pamumuhay. May mga nawawalan ng ikabubuhay dahil sa sobrang pagbaha. Nagkakaroon ng mga landslide dahil sa pang aabuso ng mga tao sa kalikasan.
Mahalaga ang ating kalikasan, dapat matuto tayong tumulong upan maalagaan ito. Marami tayong maitutulong kung gugustujin natin. Kahit simpleng bagay tulad ng pagtatabi mun ng maliit na basura. Maari din tayong magtanim ng mga puno upang makadagdag sa mga nagbibigay ng mga malinis na hangin. Dapat din nating ayusin ang pagtatapon ng mga basura, ihiwalay natin ang mga nabubulok at gawing pataba sa lupa at ang mga hindi nabubulok ay i-recycle.
Ang ating kalikasan ay unti unti ng nasisira dahil sa kagagwan na dinng bawat isa sa atin. Ang simpleng pagtatapon ng balat ng kendi kung saan ay malakin kasalanan na. Ang laganap na gawain ng mga negosyante na ipaputol ang mga puno at gawing mga torso. Ang pagkakaingin sa mga ubat.Ang pagsira sa mga bundok at pag ququarry ditto. Ang pagtatpon ng basura sa mga ilog at estero. Ito ay ilan lang sa mga kadahilanan kung bakit nasisira ang ating kalikasan.
Diyos Ang Pinagmulan Ng Buhay Ng Tao
Sa hindi natin pagpapahalaga sa ating kalikasan ay tayo din ang binabalikan ng tinatawag na karma. Ang pag baha, dahil sa sobrang pagputol sa maga puno wala ng sumisipsip ng mga sobrang tubig ulan. Nagbabara ang mga estero at di nakakadaloy ng maayos ang mga tubig sa ilog dahilsa ginawa na itong malaking basurahan ng mga tao. Nagkaroon ng mga landslide dahil sa pagququarry sa mga bundok. Ilan lang yan sa mga nagiging epekto ng pagkasira n gating kalikasan.
Marami tayong magagawa upang alagaan ang ating kalikasan , iyon ay kung nanaisin natin. Ang pagtatanim ng mga puno kapalit ng mga pinutol nila. Ang mga simpleng basura ay pwede nating ilagay muna sa ating bulsa o bag kung walang makitang basurahan. Dapat din nating paghiwalayin ang mga nabubulok sa hindi nabubulok. An mga nabubulok ay maaring gawing pataba ng lupa o fertilizer. Ang hindi naman nabubulok ay pwedeng i-recycle.
Sa pag aalaga sa ating inang kalikasan ay may magagawa ang bawat isa sa atin pero mas maganda kung ang bawt isa ay magtutulon tulong. Magkaroon ng pagkaka isa at disiplina sa sarili. Alamin din dapat natin ang tama at mali sa bawat gagawin natin.
Esp4 Lm U3
Sa panahon ngayon malayong malayo na ang kapaligiran nten sa dating itsura nito. Marami nang nagbago dahil sa kagagawan ng tao, lalong lalo na ang epekto ng makabagong teknolohiya. Maraming naitulong ito lalo na sa madaling pamumuhay ng tao ngunit hindi natin namamalayan ay unti unti nitong pinapatay ang ating kalikasan tulad nalang ng sasakyan, napapadali ang transportasyon pero sinisira naman nito ang atmosphere dahil ang usok nito ay nakalalason sa hangin. Ilan lang yan sa mga epekto ng teknolohiya.
Ngayon ay naglulungsad ang gobyerno ng mga paraan para mailigtas ang kapaligiran, hindi pa nga huli ang lahat para mailigtas ang inang kapaligiran. Ilan sa mga paraan ay ang pagbabawas ng plastik upang hindi na bumaha ng malala. Inilingsad ito sa mga grocery store na dapat twing miyerkules ay magdala ng sariling plastik bag. Sang ayon ako dito dahil mababawasan ang plastic waste na mabigat na dahilan kung bakit bumabaha. Gusto ko lng iparating sa blog na ito na dapat tayong magtulung tulungan at maki- cooperate sa gobyerno para maisalba pa ang natitirang ganda ng ating inang kalikasan.
Kalikasan na kay linis at kay ganda yan ang pangarap nating nasilayan. Ngunit paano nating masisilayan kung patuloy tayong tumutulong masira ito? Hanggang salita nalang ba ang ating pagnanais na muling pagandahin at ibalik sa dati ang ating kalikasan? Sino ba ang dapat magsimula para sa pagbabago?
Reviewer Sa Esp Pdf
Sa ngayon paano mo masasabi na maganda ang ating kalikasan? Kung kalbo na ang mga kabundukan dahil sa pagtotroso, pagkakaingin, pagcoconvertsa commercial subdivision.Pagsira sa katubigan. Dahil sa paggamit ng dinamita sa karagatan, pagtatapon ng basura sa mga ilog. Ito ba ang maganda sa ating paningin. Paano
Komentar
Posting Komentar