Karunungan ni Hesus Aral sa Bibliya Tungkol sa Katalinuhan
MATEO 24: 1-14: NAKATAKDANG PAGKAWASAK NG TEMPLO IPINAGPAUNA NG PANGINOONG JESU-CRISTO, MALAKING KAUGNAYAN SA NAGAGANAP NGAYON SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO SA TEMPLO CENTRAL
1 Lumabas si Jesus sa Templo. Paalis na siya nang lumapit ang mga alagad at itinuro sa kanya ang mga gusali ng Templo. 2 Sinabi niya sa kanila, “Nakikita ba ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng kapwa bato. Lahat ay iguguho!”
Hesus Aral Sa Bibliya Tungkol Sa Katalinuhan title=Mga Taga Corinto 1:18 31 Ang Mensahe Tungkol Sa Pagkamatay Ni Cristo Sa Krus Ay Kahangalan Para Sa Mga Taong Naliligaw Ng Landas, Ngunit Ito'y Kapangyarihan Ng Diyos Para Sa Ating Mga Naliligtas style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTBu3XstwotsdXLDX0vNwMoCD9pBS3flzZo2ClbH7MwoB9Z-4uedEJ58USh_L8cuZKMAo4&usqp=CAU'; />
Dumating na sa takdang panahon na lilisanin na ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang Templo kaya nagbibilin na. Sa panahong yaon umiiral na rin ang pagtugis sa Kanya dahil sa dala-dala Niyang Katotohanan mula sa Dakilang Diyos na nagsugo sa Kanya. Sila ang mga nag-aastang makapangyarihang mga lider na nasa hanay ng mga Paresio na nakipagsabwatan na rin sa mga Saduseo ( naka-ugnay sa Sanedrin o sa gobyerno ) para maipapatay lamang Siya. Palibhasa matataas na rin ang pagkakilala sa kanilang sarili dahil pawang mga lider nga sila ng sambahayan ng Israel noon. Kinilala nila ang kanilang mga sarili na sila lang ang tuwirang may karapatan at nakakaalam sa tunay na paglilingkod patungkol sa Panginoong Diyos kaya ang pagsusugo sa Kanya ( Panginoong Jesu-Cristo ) ng Panginoong Diyos ay sinasalungat at pinag-aalinlanganan pa nila. Ngunit tiniyak sa Espiritual na pahayag sa Espiritual din na paliwanag sila ang mga nag-aanyong matatag o matibay na bato na wari ay hindi matitinag. Magkakasalansan ang bato, katayuan nila o karapatan na ang pagkakahirang ay bigay at gawa ng tao lamang. Sila ay pawang mga nanghawak sa sariling kaalaman at nanalig sa magagawa nila sa pagpapasunod sa mga nasasakop ng kanilang kapangyarihan. Kaya naman, dahil doon ay tiniyak ng Panginoong Jesu-Cristo na sila ay matitinag at maibabagsak rin. Oo, halos LAHAT nga ng naroroon sa Jerusalem ay matitinag ng isang pangyayaring ikagugupo, at ikapanlulumo ng lahat ng nasa Jerusalem.
Colosas 3:16 17 Itanim Ninyong Mabuti Sa Mga Puso Nʼyo Ang Mga Aral Ni Cristo. Paalalahanan At Turuan Nʼyo Ang Isaʼt Isa Ayon Sa Karunungang Kaloob Ng Dios. Umawit Kayo Ng Mga Salmo,
Yan din ang ating ipinagpapauna ngayon, na kung paano naganap sa Jerusalem noon, ganyan na ganyan din ang pagkakatulad na magaganap ng na nga sa loob ng CENTRAL ngayon ng Iglesia ni Cristo, na pinamumunuan ng mga tiwali at pabayang lider dahil sa kasakiman nila sa mga bagay at kayamanan na panlupa lamang.
Ito ang pasya ng Panginoong Diyos na ini-uudyok ng Banal na Espiritu sa atin ngayon. Walang matibay na nasa katayuan na o karapatan, na nakaposisyon ang hindi maigigiba. Ipinagpauna at ipinauunawa, LAHAT! Walang maitatangi mula sa pangunahing lider yan ang Pamamahala, sa mga tiwaling Sangguniang lider, mga kinikilalang Tagapangasiwang lider o sinumang mahalagang tauhin na nasa loob ng ibat-ibang departamento hanggang sa kaliit-liitang bahagi basta nasa loob ng CENTRAL. LAHAT ay pawang igugupo at panghihinaan ng loob kapag naganap na ang hatol ng Panginoong Diyos para sa kanilang lahat na gumawa ng kalapastanganan na nagmalabis at puminsala sa Kabanalan ng Templo at nagpabaya sa mga hinirang sa kabuuan ng Iglesia ni Cristo.
PAUNAWA NG BANAL NA ESPIRITU NG PANGINOONG DIYOS. HINDI KO SARILING UNAWA AT KARUNUNGAN ITO…

Isinisiwalat Ni Jesus Ang “karunungan Ng Diyos” — Watchtower Online Library
3 Noon, si Jesus ay nasa Bundok ng mga Olibo. Habang siya’y nakaupo roon, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, “Kailan po ba mangyayari ang mga sinabi ninyo? Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo?”
Ang mga katanungang ito ay palihim na ring nasasambit ng mga kapatid natin ngayon sa kanilang sariling mga panalangin sa ating Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo na waring may pananabik na sa Kanyang pagparito at kung mangyari yun ay kaalinsabay na rin ng katapusan na ng mundo. Ngunit hindi pa gayun sapagkat may mga palatandaang pang hindi nagaganap. At kung ito ay naihahanay sa kanila ayon sa mga ministro kapag itinatanong mo ang patungkol sa bagay na ito ay matatag nilang sinasabi na hindi pa itinuturo sa kanilang klase sa Ministeryo. Ngunit ngayon ay ipinahihintulot na maihanay at mabigyan ng kaukulang paliwanag sa nakaraan na may malaking kaugnayan sa kaganapang nagaganap sa pangkasalukuyan at magaganap pa lang sa hinaharap na bahagi na rin ng ating paglalakbay.

Kaugnay diyan ang mga kapatid natin ay hindi tumitigil sa pananalangin lalo na, ng mga nasa panig ng mga nahihirapan na dahil sa pagmamalabis ng mga salbahe at pabayang lider. Humahanap na rin ng palatandaan ang mga kapatid kung kailan nga ba matitigil ang katiwalian at kailan din magwawakas ang kasamaan ng mga abusadong lider na tumitindig sa CENTRAL sila na inaasahan sanang mangangalaga sa ating lahat sila pa ang nagpapahirap at nagpapabigat sa damdamin at kalooban ng mga kapatid. Kaya gayun na lang ang kanilang pananabik na sana ay may totoong handa muling magmamahal at magmamalasakit sa Iglesia ni Cristo katulad na katulad ng pangunguna, pangangasiwa, pagmamalasakit at pangangalaga ng kapatid na Felix Y. Manalo at ng Kagalang-galang na mahal nating Kapatid na Erano G. Manalo. Kaya lang talagang kakaiba sa panahon nating ito ng ito ay nasa Pamamahala na ng Ka. Eduardo V. Manalo. Kaya ano ang bilin sa atin?
Karunungan Ng Diyos
4 Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! 5 Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw.

Ito ang paunang bilin na dapat nating mailakip ngayon ang pag-iingat! Yan ang pahayag mismo ng Panginoong Jesu-Cristo natin upang hindi tayo mailigaw ninuman. Sapagkat totoong may magpapanggap na nauunawaan nila ang nais ipaunawa ng Panginoon Jesu-Cristo. Kung bakit nasabing magpapanggap na Cristo ay sapagkat ang Panginoong Jesu-Cristo mismo sa hanay ng ilang talata ng Biblia ay isang Propeta. Kaya marami talaga ang magpapanggap na sila man din ay Propeta dahil ipapalagay nila sa kanilang sarili na kaya nga nilang tularan ang pagkaunawa mayron ang Panginoong Jesu-Cristo kung paano nakapagpapaliwanag ng malalalim na mga hiwaga at talinhaga. Kaya mapapansin niyo sa kanilang paglilitanya may pag-aangkin na hindi naman para sa kanila o hindi naman talaga ipinag-uutos sa kanila ng Panginoong Diyos. Kaya darating sa kanilang lahat ang pagkalito at hindi matatanggap kahit alam nilang may Katotohanan ang ating ipinapahayag na palilitawin pa nga na tayo ang tumutulad lamang sa pagbibigay kahulugan sa mga talata ng Banal na Kasulatan na kanilang binabago sa paliwanag na naibigay na sa atin sa tulong ng Banal na Espiritu. Kaya nga ipang-aakit nila ito sa iba na tila sila ang pinagmulan. Ngunit ano ang mangyayari sa mapapaniwala nila gaya ng ipinagpauna ng ating Panginoong Jesu-Cristo? MARAMI SILANG MAILILIGAW! Pagkat binago nila ang pagkaunawa ng mga nakaunawa na! Kaya mahirap mangahas ng hindi naman nila kaukulan dahil ipagsusulit nila ito sa ating Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo pagdating ng araw. Ano ang panganib? Ligtas na sana, lamang nailigaw ng sariling pagkaunawa ng nagpakilalang sa pamamagitan ng kanyang paghahanay ay maakit nilang maisang tabi ang ating ginagawa at mabaling sa kanila ang lahat.
Kung nagagawa man ng inyong abang lingkod na makapaghanay at makapagpaliwanag, ang Karunungang ito at Kaalaman na ating dala-dala ay hindi mula sa akin, kundi ito ay mula sa ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sa pagsusugo ng Banal na Espiritu. Kaya naman, napahihintulutan lamang ako dahil sa Kanilang Patnubay at Paggabay ng Kanilang Kapangyarihan na sumasaatin ng mabantayan Nila ang aking paghahanay. Dahil kinikilala ng inyong abang lingkod, wala akong anumang kaalaman at karunungang maipagmamalaki sapagkat ako ay isang pangkaraniwang kapatid lamang. Ni hindi ako nakatuntong sa Ministeryo o anumang paaralang may kaugnayan sa Biblia. Ngunit dahil sa kaugnayan ko sa Banal na Katawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo bilang isang ganap at tunay na Iglesia ni Cristo, awa at pag-ibig na lamang sa akin ito ng ating Panginoong Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo na pahiramin ako ng kakayahang magpaliwanag katulad ng isang mangangaral na nagtuturo ng Banal na Salita ng Panginoong Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo. Napakakasangkapan lamang ako para maiparating sa lahat, kung ano ang tunay at totoong Kalooban ng Panginoong Diyos na ngayon ay ipinaglilingkod ko sa inyong lahat. Kung mayroon mang babangon para kwestyunin ang aking ginagawa, una na ninyong pinag-aalinlangan ang Panginoong Diyos na nagsugo ng Banal na Espirirtu upang mapahintulutan lamang ang inyong abang lingkod na mapahiram ng Karunungan. Kaya ipinagdidiinan kong muling ipinauunawa na ang karapatang ito ay mula sa Panginoong Diyos at hindi mula sa akin at hindi sa pangkaraniwang tao lamang. Kaya naman bahagi ng Kanilang pag-iingat sa akin kahit namamalagi ako sa Templong ito ng ating Panginoong Diyos. Walang makapag-aalis sa akin dito hanggat hindi pa pinahihintulot na lisanin ko ito. Mamamalagi ako sa loob, sa punong kinatataguan ko na abot tanaw ko lang ang paligid ng Templo. Nakatunghay lamang ako, nagmamasid sa lahat gaya ng bilin, upang masunod ko ang NAKAHIHIGIT SA AKIN.
Mga Talata Sa Biblia Tungkol Sa Mapagmataas
Tulad ng bilin ng Panginoong Jesu-Cristo, pinag-iingat ang lahat sapagkat marami silang maililigaw. Kung sakaling iba na ang aral na aking ipinauunawa sa inyo at hindi na ayon sa doktrina na ating kinagisnan bilang Iglesia ni Cristo, at kung wala na sa Banal na Kasulatan ang mga pinaghahanay ko, ay huwag na ninyo akong paniwalaan, ako na mismo ang humihiling sa inyo, lalo na sa panig ng mga kumikilala sa ginagawa ko. Kalimutan na ninyo na may Elias Arkanghel na humikayat

Komentar
Posting Komentar